Nahaharap ngayon ng kasong physical injury and threat sa Manila Police District (MPD) ang isang Amerikano matapos nitong pagsusuntukin at murahin ang isang 17-anyos na lalaki matapos pagdiskitahan habang naglalaro ng skateboard sa Malate, Manila kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Joshua Greenberg, 29, pansamantalang nanunuluyang sa Unit 2511, The Grand Towers sa P. Ocampo St., Malate, Manila.

Ayon sa biktimang si Michael Joshua Lachama, isang residente ng Grand Towers condominium, naglalaro siya ng kanyang skateboard sa harapan ng Tower 2 nang bigla siyang itulak ng Amerikano at pinagmumura.

“Kinaladkad niya ako at sinuntok sa katawan,” pahayag ni Lachama sa kanyang affidavit.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kasalukuyang nasa kustodiya si Greenberg ng MPD Headquarters sa UN Avenue. Ayon sa suspek, hindi niya sinadyang saktan si Michael at nataon lamang na dumaraan ito sa kanyang harapan habang mainit ang kanyang ulo dahil sa problema sa negosyo.