TANAY, Rizal - Kalaboso ang limang sangkot sa ilegal na droga matapos sila umanong mahuli sa isang pot session sa Barangay Wawa, Tanay, Rizal kahapon.

Ayon sa report ng Tanay Municipal Station kay Rizal Police Provincial Office Director Senior Supt. Bernabe Balba, ang mga naaresto ay nakilalang sina Renulfo Esquillo, 49, ng Bgy. Wawa, Tanay; Isabelo dela Rosa, 40, ng Siniloan, Laguna; Michael Lobedorial, 30, ng Bgy. Tandang Kutyo, Tanay; Francis Hernandez, 42,; at Evangelina Viray, 40, ng Bgy. Wawa, Tanay, Rizal.

Nakumpiska ng pulisya mula sa limang naaresto ang apat na plastic sachet ng shabu, isang aluminum foil na may latak ng shabu, dalawang disposable lighter, at isang tooter.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20