TAIPEI (Reuters) -- Umakyat na sa 31 ang bilang ng mga namatay sa pagbulusok ng isang eroplano ng TransAsia Airways sa isang ilog sa Taipei ilang minuto matapos itong lumipad, sinabi ng mga Taiwanese official noong Huwebes, at maaaring tumaas pa ito sa 12 kataong nawawala pa rin.

Ang TransAsia Flight GE235, sakay ang 58 pasahero at crew, ay muntikang sumayad sa mga gusali at sumabit sa isang overpass ang isang pakpak bago bumulusok nang patiwarik sa ilog ilang minuto matapos mag-takeoff mula sa isang paliparan saTaipei noong Miyerkules.

Kabilang sa mga namatay ang pilot at ang co-pilot ng halos bagong turboprop ATR 72-600. Kinilala ng TransAsia ang piloto na si Liao Chien-tsung, 42.

Ang huling komunikasyon mula sa isa sa mga piloto ay “Mayday Mayday engine flameout”, ayon sa isang air traffic control recording sa liveatc.net.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Nangyayari ang flameout kapag naputol ang fuel supply sa makina o kapag mayroong faulty combustion, na nagreresulta sa engine failure.

Narekober ang black box data recorder ng eroplano noong Miyerkules ngunit wala pang inilalabas na detalye.