INAMIN sa amin ng taong malapit sa kilalang aktres na masamang-masama ang loob sa kilalang aktor na supposedly ay kasama niya sa show pero biglang nag-backout dahil hindi naibigay ang gusto nitong talent fee.

“Masama ang loob niya kasi akala niya magkaibigan sila dahil nga nagkasama na sila before at okay sila, hindi niya akalain na pera-pera lang pala,” kuwento ng source namin. “Akala niya magkaibigan sila. Saka no’ng nagkasama sila hindi pa masyadong sikat si _____ (aktor) samantalang si _____ (aktres) may pangalan na rin maski paano.”

Pero may kuwento naman ang kampo ng kilalang aktor.

“Wala namang kasalanan si _____ (aktor) kasi may manager naman siya na nakikipag-deal sa producers, kung ano lang ang sasabihin ng manager niya, ‘yun lang din ang gagawin niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Huli na nang malaman niyang makakasama pala niya si ____ (aktres) kaya nagtanong siya kung bakit hindi tinanggap ng manager niya ‘yung show, eh, hindi nga raw sila nagkasundo sa talent fee.

“Walang magawa si _____ (aktor) kasi sumusunod lang din siya at ayaw niya ng gulo sa pagitan nila ng manager niya.”

Sabi namin sa tagapagtanggol ng kilalang aktor, kung talagang hindi nag-interes sa malaking talent fee, puwede namang sabihin sa manager na tanggapin ang show alang-alang sa pagkakaibigan nila ng kilalang aktres.

Sa showbiz talaga, Bossing DMB, business is business, walang kaibigan. Tama nga, pera-pera lang ang aktor.