Naniniwala ang beteranong runner at nakalista sa Guiness Book of World Records na si Dick Beardsley na kaya ng mga Pilipinong long distance runner na mamayani sa buong mundo kung pagtutuunan ng panahon at malalim na pagsasanay ang kanilang sasalihang mga lokal at internasyonal na torneo.

Ayon sa 59-anyos na si Beardsley, na nakilala sa kanyang kamangha-manghang ikalawang puwestong pagtatapos sa Boston Marathon noong 1982, na kaya ng mga Pilipinong runner na mamayani sa event na marathon o distansiya na 42.195 kilometro kung pag-aaralan at bibigyan ng tamang pamamaraan.  

“Compete against the best,” sabi ni Beardsley. “Run with your full potential, not for the money. Runners must know what they really aiming at and not to run as many marathon, for it will fall back at you in due time,” sabi pa nito.

Ang motivational at inspirational speaker, best-selling author at fitness coach na si Beardsley ay nasa bansa mula sa tulong ng British American Tobacco (Philippines) at PATAFA honorary coach James Lafferty para isagawa ang serye ng seminar sa national athletes, running enthusiasts, businessman at professionals at BAT employees.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Ikinatuwa naman nina PATAFA president Philip Ella Juico, PSC Commissioner Jolly Gomez at Gillian Akiko Thomson-Guevarra at 6th time marathoner Roy Vence ang malawak na pang-unawa ni Beardsley sa marathon sa maigsi nitong seminar sa PSC Audio Visual Room. 

Si Beardsley ang tampok na personahe sa libro na “Duel In The Sun” na itinala ang matinding neck-to-neck na laban nito sa takbuhan patungo sa finish line kontra sa kilala na long distance runner na si Alberto Salazar.

Marami rin ang humanga kay Beardsley matapos itala ng Guiness Book of World Records ang kanyang naabot sa takbuhan bilang “Only man to run 13 consecutive personal best in the marathon.”

“Beardsley’s experiences both in his running career and his personal life had inspired people to strive to fulfill their dreams despite seemingly insurmountable odds. His performance in the 1982 Boston Marathon showed that even underdogs can give the biggest, baddest, toughest competitors a run for their money,” sabi ni Lafferty.

Mananatili naman si Beardsley sa bansa sa loob ng anim na araw kung saan magsasalita ito sa empleyado ng BAT sa taunang strategy workshop at daluhan ang ilang aktibidad kabilang ang clinic para sa mga national long distance runners na miyembro ng PATAFA at magbigay courtesy call kay Senador Pia Cayetano.