HAVANA (AFP)— Binasag ni Cuban leader Fidel Castro ang kanyang pananahimik sa makasaysayang pagbabati ng Washington at Havana, lubusan itong inendorso kahit na nagpahayag siya ng pagdududa sa dating kalaban sa isang liham noong Lunes.

“I don’t trust in the policy of the United States, nor have I exchanged one word with them,” sabi ng 88-anyos na revolutionary icon, idinagdag na ang kanyang mga salita ay hindi dapat ipalagay na “a rejection of a peaceful solution to conflicts -- far from it.”

“We will always defend cooperation and friendship with all the peoples of the world, among them our political adversaries. It’s what we are calling for on everyone’s part,” ani Castro.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race