Halos limang buwan makaraang hirangin si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Manny Pangilinan bilang miyembro ng makapangyarihang FIBA Central board, itinalaga naman ni FIBA secretary-general Patrick Baumann ang kareretiro pa lamang na si Jimmy Alapag, dating manlalaro ng Talk ‘N Text at ngayon ay tumatayong team manager ng koponan, bilang miyembro ng bagong tatag na FIBA Players’ Commission.

Napabilang ang dating kapitan ng Smart Gilas Pilipinas sa grupong pinamumunuan ng Serbian at NBA great na si Vladi Divac.

Nakatakda siyang manungkulan hanggang sa 2019.

Ipinabatid ang nasabing appointment ni Alapag sa pamamagitan ng isang liham noong Enero 23 na ipinadala ni Baumann kay Pangilinan at SBP executive director Sonny Barrios at ipinaalam nito ang pagtatalaga kay Alapag sa Players’ Commission.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“It is a pleasure for me to inform you, that Mr. Alapag has been appointed as member of the FIBA Players’ Commission.We already look forward to closely working and collaborating with him for the sake of our sport and its athletes.”

Itinatag ang Players’ Commission noong nakaraang Agosto sa Seville kaalinsabay ng FIBA Basketball World Cup.

Pangunahin nilang tungkulin ang pag-aralan ang mga isyu  na may kinalaman sa mga player ng lahat ng age groups at magpanukala sa Central Board ng mga pamamaraan na inaakala nilang makabubuti sa pag-angat ng kondisyon ng mga player, bukod pa sa rekomendasyon sa mga aktibidad na makatutulong sa interes ng players at magbigay ng feedback at mga payo para sa ikagaganda ng iba`t ibang mga kompetisyon ng FIBA.

Dahil sa nasabing pangyayari, si Alapag ay ang ikaapat na Filipino na nabigyan ng appointment sa  FIBA, ang world governing body sa basketball, kasunod nina orthopedic surgeon Dr. Raul Canlas na unang itinalaga sa FIBA Medical Commission, SBP consultant Atty. Edgar Francisco sa FIBA Legal Commission at Pangilinan na nahirang para maging miyembro ng 26-man Central Board, na pinamumunuan ni Argentinian Horatio Muratore.

“I’m very honored with the opportunity to represent our country in the FIBA Players’ Commission,” pahayag ng dating 2011 PBA Most Valuable Player  na si Alapag. “I’m looking forward to the experience.``

“I just can’t wait to hang out with Vlade, perhaps teach him a thing or two about shooting,” pabirong sinabi nito.

“We are very proud of Jimmy. When FIBA asked for nominees to its Player’s Commission, we had no hesitation in nominating him. He definitely will make his country proud and we are confident he will make positive contributions in the work of the Commission for the players’ benefit,” ayon naman kay Barrios.