SANAA (Reuters)— Nagpahayag si Yemen President Abd-Rabbu Mansour Hadi noong Miyerkules ng kahandaang tanggapin ang mga kahilingan para sa constitutional change at power sharing ng mga rebeldeng Houthi na pumosisyon sa labas ng kanyang bahay matapos talunin ang kanyang mga guwardiya sa dalawang araw na labanan.

Kinondena ng mga katabing bansa sa Gulf ang inilarawan nilang kudeta sa Yemen, kahit na itinanggi ng mga Houthi at ilan sa mga kaalyado ng pangulo na siya ay pinatalsik.

Isang source na malapit sa pangulo ang nagsabing nakipagpulong si Hadi sa isang opisyal ng Shi’ite Muslim rebel group, at itinanggi na nasa house arrest ang head of state sa loob ng kanyang bahay, simula pa nang umagang lumusob ang mga mandirigmang Houthi.
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS