Ilalantad sa sunod na linggo ng anti-graft group, ang CD na naglalaman ng sinasabing katiwalian sangkot ang mga opisyal ng Commission on Election (Comelec) at Smartmatic kaugnay sa karagdagang bilyong pisong kontrata ng PCOS machines para sa 2016 presidential elections.

Ito ang inihayag sa pulong sa Quezon City sa Liga ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) ni Atty. Homobono Adaza na may iregularidad na kinasangkutan ang mga opisyal ng COMELEC at Smartmatic Tim Corporation (Smartmatic).

Kasama ni Adaza sa pulong balitaan si Jonathan “Jonas” Seniel, spokesman ng Movement Against Graft and Corruption.

Sinabi ni Adaza na laman ng CD ang mga detalye ng sabwatan ng mga opisyal ng Comelec at Smartmatic na pinagmumulan ng bilyong pisong korapsyon.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Nauna rito, kinuwestiyon nina Adaza at Siniel sa Korte Suprema ang proseso ng public bidding ng Comelec para sa magsusuplay o pagbili ng panibagong PCOS machines na gagamitin sa 2016 presidential elections.