Nagsipagwagi ang kumbinasyon ng mga beterano at batang archers sa ginanap na Philippine Archers National Network Alliance (PANNA) trials kung saan nakataya ang silya sa gaganaping Southeast Asian Games at pagkakataong sumabak sa qualifying tournament sa Olympics na World Championships sa Hulyo.

Sinabi ni PANNA president Frederick Moreno, kabuuang 16 katao mula sa recurve at compound team ang umasinta sa kampeonato sa tatlong leg ng eliminasyon kung saan ay mapapahanay sila sa pambansang koponan matapos ang trials na ginanap sa F.R Sevilla Range.

“We are aiming for at least two gold medals in the SEA Games and then earn an Olympics in the coming World Championships in July,” sinabi ni Moreno.

Sasabak ang PH archers sa aksiyon sa isasagawang Asia Cup sa Bangkok sa Marso, ang World Cup sa Shanghai sa Abril, kasunod ang Singapore SEA Games sa Hunyo at ang Olympic-qualifying World Championships na gaganapin sa Sweden sa Hulyo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nanguna naman sa trials ang 2014 Youth Olympic gold medalist na si Luis Gabriel Moreno at Incheon Asian Games bronze medalist na si Paul dela Cruz na nagwagi sa kanilang kategorya.

Pumangalawa kay Moreno sa men’s recurve sina Florentino Matan kasunod si 2012 London Olympian Mark Javier at si Zander lee Reyes.

Ang women’s recurve squad ay bubuuin naman nina Rachelle dela Cruz, na isa ding London Olympian, at sina Kareel HIngitan, YOG campaigner Bianca Gotuaco at Crissabelle Merto.

Makakasama naman ni Dela Cruz sa men’s compound ang dating SEA Games champion na si Earl Yap, Delfin at Ferdinand Adriano habang ang women’s compound team ay pangungunahan ng multi SEA Games gold medalist Amaya Paz, Joan Tabanag, 2000 Sydney Olympian Jennifer Chan at Abbigail Tindugan.

Umaasa ang PANNA na makakakuha ng serbisyo ng A-1 foreign coach bagamat patuloy ngayon na sinusunod ng Pinoy archers ang world-class training program upang makamit ang asam na manalo ng dalawang gintong medalya sa SEA Games, bukod pa na maiuwi ang medalya sa paglahok sa Asia Cup.

Ang dalawang torneo ay inaasahang magsisilbing tune-up tungo sa pagsabak sa World Cup at World Championships kung saan ay umaasa ang PANNA na kayang makakuha ng isang silya ang athlets sa 2016 Rio De Janeiro Olympics.