Naramdaman kahapon ang magnitude 4.0 na lindol sa Calatagan, Batangas.
Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig dakong 8:27 ng umaga, na ang epicenter ay nasa layong 22 kilometro hilaga-kanluran ng Calatagan.
Niyanig din ng intensity 2 na lindol ang Puerto Galera sa Oriental Mindoro.
Sinabi pa ng Phivolcs na tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 106 na kilometro.