Mga laro ngayon: (JCSGO Gym)

12 p.m. Racal Motors vs. MJM Builders-FEU

2 p.m. Jumbo Plastic vs. Hapee

4 p.m. Bread Story-Lyceum vs. MP Hotel

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nabuhayan pa ng pag-asa upang makahabol sa huling slot sa playoff round, sasabak ngayon ang baguhang MJM Builders-Far Eastern University (FEU) kontra sa baguhan din na Racal Motors sa nakatakdang triple header ngayon sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants Cup sa JCSGO Gym sa Cubao.

Pinataob ng Builders ang MP Hotel, 93-68, noong nakaraang Lunes upang umangat sa barahang 3-5 (panalo-talo).

Dahil dito, nagkaroon ng tsansa ang MJM Builders na makahabol sa ikaapat at huling playoff slot kung maipapanalo nila ang huling dalawang laro, kabilang na ang laban sa Alibabas at Jumbo Plastic sa Enero 22 at umasang mabigo ang sinusundang Tanduay Light (4-5) sa huling laban nito kontra sa AMA University.

Sa ikalawang laro, nakasisiguro na ng isa sa outright semifinals berth, kasama ang kapwa lider na Cagayan Valley, sasagupain ng Hapee ang Jumbo Plastic Linoleum na nakatitiyak na rin ng twice-to-beat advantage papasok sa playoff round sa ganap na alas-2:00 ng hapon.

Hawak ang barahang 6-3 (panalo-talo), sigurado na sa ikaapat na spot ang Giants kahit matalo pa sila ngayon sa Fresh Fighters at magwagi naman ang sumusunod sa kanila na Cebuana Lhuillier (5-4) sa huling laro nito at magtabla sila sa barahang 6-4 sa bisa ng winner-over-the-other rule.

Samantala, sa tampok na laro, kapwa naman naghahangad ng panalo para sa mas magandang pagtatapos sa una nilang pagsabak sa liga ang mga baguhang Bread Story-Lyceum at ang MP Hotel sa pagtatapat nila sa ganap na alas-4:00 ng hapon.