Gagamit na ng debit card ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa pagtanggap ng bayarin mula sa mga may transaksiyon sa ahensiya.
Ito ay makaraang lagdaan ng LTO, Development Bank of the Philippines (DBP) at Bureau of Treasury ang memorandum of agreement sa pagggamit ng debit card.
Maliban sa pagpapatigil sa sistemang “keep the change” sa transaksiyon ng mga motorista sa LTO ay pinaniniwalaang mababawasan din ang katiwalian sa ahensiya sa pagbabayad ng rehistro ng sasakyan at driver’s license.
Pormal nang ilulunsad sa Pebrero ang naturang programa sa 16 na regional office at sa lahat ng district office ng LTO sa bansa.
Inaasahan ni DBP Chairman Jose Nuñez Jr. na susunod na rin ang iba pang ahensiya ng gobyerno na gagamit ng cashless payment o pagbabayad sa pamamagitan ng debit card.