NEW YORK (AP)– Naibalik ni LeBron James ang No. 23 sa ituktok.

Muling nanguna si James sa most popular jersey list ng NBA, sa pagkakataong ito sa kanyang orihinal na uniporme ng Cleveland Cavaliers na kanyang binalikan nitong season.

Si James ang nangunguna sa listahan na inilabas kahapon sa ikalimang sunod na season, ngunit ang kanyang No. 6 para sa Miami Heat ang namayagpag sa unang apat na taon. Bumalik siya sa kanyang unang numero nitong summer nang magbalik sa Cleveland, kung saan siya unang naglaro bago lumisan noong 2010.

Ito ang unang pagkakataon na nanguna sa listahan ang Cavaliers jersey ni James mula 2004, ang kanyang rookie season, at ang unang pagkakataon na ang Cavs ay naging No. 1 sa team merchandise list.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Si Stephen Curry ng Golden State ay tumalon ng limang puwesto sa No. 2 sa listahan, na ibinase sa overall sales ng Adidas at NBAStore.com mula Oktubre-

Disyembre 2014.

Si Kevin Durant ng Oklahoma City, Kobe Bryant ng Lakers, at Derrick Rose ng Chicago ang iba pang bumubuo sa top five.