SAN FERNANDO CITY, La Union – Inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na apat na oras na mawawalan ng kuryente sa ilang bahagi ng Nueva Vizcaya at Ifugao sa Biyernes, Enero 16, 2015.

Simula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali ay apektado ng brownout ang ilan sa mga costumer ng Nueva Vizcaya Electric Cooperative, Inc. (NUVELCO) at Ifugao Electric Cooperative, Inc. (IFELCO) Solano, Quezon, Villaverde, Bagabag, at Diadi, sa Nueva Vizcaya; at Banaue, Hingyon, Hunduan, Mayaoyao, Lamut, Lagawe, Kiangan, Asipulo, at Tinoc sa Ifugao. - Liezle Basa Iñigo

Rep. Diokno, sinagot kung bakit mahalaga ang impeachment sa gitna ng problema