BAGUIO CITY – Labing-siyam na bagong closed circuit television (CCTV) camera ang ipinagkaloob ng Benguet Electric Cooperative (Beneco) bilang suporta sa kampanya ng Baguio City Police Office (BCPO) laban sa kriminalidad sa siyudad.

Nilagdaan noong nakaraang linggo ang Deed of Donation ng mga kinatawan ng Beneco, sa pangunguna ni Peter Busaing, presidente ng Board of Directors, at pulisya, sa pamumuno ni Senior Supt. Rolando Miranda, officer in charge ng BCPO, na sinaksihan ni Mayor Mauricio Domogan.

Ayon kay Delmar Carino, corporate legal counsel ng Beneco, ang pagkakabit ng mga CCTV sa mga pangunahing lugar sa lungsod ay malaking tulong para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Baguio. (Rizaldy Comanda)
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente