Vickie & Jason

GOING strong pa rin ang relasyon ni Jason Abalos sa kanyang girlfriend na dating PBB housemate na si Vickie Rushton.

Kaya nga raw nagsisikap ang aktor dahil sa girlfriend, at kaya nga itinataguyod niya ang pagpapagawa ng kanyang dream house, somewhere in Quezon City. Isa itong five-bedroom house na may servant’s quarter at guest room.

“Doon lahat napupunta ang pinagpupuyatan ko,” sabi ni Jason, sabay tawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya iniipon niya ang lahat ng kinikita niya sa seryeng Two Wives at napupunta ito sa naturang bahay.

Noong 2013 pa raw niya nabili ang loteng titirikan ng kanyang bahay at nang taon ding ‘yun inumpisahan ang construction.

Agad naman niyang nilinaw na hindi cash ang kanyang ipinambayad sa lote.

“Fifteen years ko pa ‘yun mababayaran. Kaya kapag nagkaroon ako ng buhos na pera ibabayad ko kaagad para makabawas sa interes,” kuwento pa ng aktor.

Si Vickie na ba ang kanyang ititira sa kanyang dream house?

“I’m really praying na siya na talaga. Gusto ko na siya na nga,” seryoso niyang pahayag.