SA harap ng malimit na pagdating ng mga supertyphoon na gumigiyagis sa ating bansa dahil sa climate change na sumisira ng ating kapaligiran, paano tayo uunlad?

Ang sagot sa tanong na iyan ay nakalundo sa tinatawag ng management experts natin na ‘development governance’, na inilalarawang climate change adaptation. Kaakibat nito ang pagtanggap ng katotohanang madalat na natural na kalamidad, comprehensive situation analysis, forward planning, positive thinking at paggamit ng mga natamong ganansiya upang maibsan ang pagkaluging dulot ng kalamidad. Ang konseptong ito ay pinakamainam na ipinakita ng Albay. Taun-taong sinasalanta ng malalakas na bagyo, ang Albay ay isang hindi mahalagang probinsiya sa loob ng maraming dekada, hanggang dumating si Gov. Joey Salceda. Ngayon, makikita ng lahat ang dokumentadong mga tagumpay nito. Kabilang dito ang pinakamaiinam na pamamaraan sa kaligtasan, pati na ang permanenteng evacuation centers at relocation sites; ang pagpapatuloy ng mga kabuhayan na tumitiyak sa kaunlaran; solidong “green credentials” na kinatawan ng 88% increase sa forest cover at 300% expansion ng mangrove areas sa loob ng anim na taon; at mahigpit na pagbabawal sa pagmimina, paninigarilyo, at walang habas na paggamit ng plastic.

Umaasa ang Albay na maisusulong nito ang kaunlaran sa turismo ngayong taon, at nangangako ng masasaya at makukulay na karanasan para sa mga panauhin. Bukod sa pagiging host nito sa limang major international event, kasama ang XTERRA Triathlon sa Pebrero, ang tatlong Senior Officials’ Meeting (SOM) ng 2015 Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Hulyo hanggang Setyembre, at ang Pacific Asia Travel Association (PATA) travel mart sa Oktubre.

Kasabay ng internasyunal na timpalak sa palakasan sa Pebrero 8 ay ang pagsisimula ng isang buwang Cagsawa Festival. Dadagsain ang lalawigan ng Albay ng mahigit 1,500 atleta at 2,500 panauhin na iko-cover ng international media. Sa Oktubre naman, magiging abala ang Albay sa PATA Adventure Travel and Responsible Tourism Conference and Mart. PATA, ang premyadog Asia Pacific organization ng travel and tourism players, na kaagapay ng United Nations World Tourism Organization na nagadaos ng mga komperensiya sa Albay noong 2014.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente