Kooperasyon at sakripisyo.

Ito ang hiniling ng balik-Ginebra coach na si Ato Agusin sa kanyang muling pag-upo bilang head coach ng Kings kapalit ni Jeffrey Cariaso.

``Sabi ko nga, kailangan namin ng cooperation ng mga players. Kailangan namin na maging disciplined at mag sacrifice. Alam naman natin na ang Ginebra puno ng talented players, pero kailangan namin mag-sakripisyo para manalo,`` pahayag ni Agustin.

Kasabay ng pagbabalik ni Agustin sa Kings, ibinabalik din niya ang kanilang naunang istilong `run-and-gun game` buhat sa itinuro sa kanilang `triangle offense` ni Cariaso.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nais ni Agustin na muling magsimula mula sa naging performance nila noong nakaraang taong Philippine Cup kung saan umabot ng Game Seven ang kanilang series ng San Mig Coffee sa semifinals kung saan kinapos lamang sila sa huling laban.

Ayon kay Agustin, wala namang malaking pagbabago sa kanilang lineup noong nakaraang taon kung kaya`t kumpiyansa siya na madaling makakapag-adjust ang Kings sa pagbabalik nila ng istilong run-and gun.

Bukod sa baguhang si Rodney Brondial, ang tanging nadagdag sa roster ng Kings ay si Joseph Yeo na minsan na ring naging manlalaro ni Agustin sa San Miguel Beer.

Muling aasahan ni Agustin ang mga beteranong sina Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, Yeo, LA Tenorio, Chris Ellis at Josh Urbiztondo para siyang manguna upang maging solidong run-and-gun team ang Ginebra.

``’Yun na talaga kami, ang magiging tatak namin pero gusto ko rin na mag pressure at may phisicality ng game at banggaan,`` ayon pa kay Agustin.