Pagkakalooban ang mga batang kung tawagin ay children with special needs (CSN) ng 20 porsiyentong diskuwento sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo para sa kanilang kaginhawahan.

Batay sa House Bill 5158 na inakda ni Rep. Franz E. Alvarez (1st District, Palawan), ang CSN ay magtatamo ng 20 discount sa bawat pagbili ng mga produkto at gamot para sa kanila at pagtatayo ng Office for Children with Special Needs (OSCN).

Saklaw ng diskuwento ang pasahe sa sasakyan, hotel, restoran, recreation centers, sinehan, theaters, circuses at carnivals.

Pagkakalooban din ng libreng medical at dental services ang lahat ng ospital ng gobyerno o klinika alinsunod sa mga panuntunan na palalabasin ng Department of Health (DOH), Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS).
Probinsya

Dahil sa 5.8-magnitude na lindol: Kalsada sa Liloan, Southern Leyte, nagkabitak-bitak!