Isang 31-anyos na babae ang arestado noong bisperas ng Bagong Taon matapos magtangkang magpuslit ng shabu sa selda ng kanyang nakakulong na kapatid sa pagkukubli ng kontrabando sa panty.

Kinilala ni Senior Supt. Ronaldo Genaro E. Ylagan ang suspek na si Liezel M. Kalaw, residente ng Villa Jeva, Barangay Lusacan, sa Tiaong, Quezon.

Ayon sa ulat ng pulisya, natuklasan ni PO3 Helen Ranido, duty officer, ang shabu na nakabalot sa plastic at nakarolyo sa aluminum foil nang kapkapan niya si Kalaw habang nagpapasok ng pagkain sa selda ng kapatid nitong si Rodelio Kalaw, dakong 7:30 ng gabi noong Miyerkules. Todo-kapkap si Ranido kay Liezel matapos mapansin niyang aburido ang suspek bago pumasok sa gate ng pintuan habang bitbit ang pagkain ng kapatid.

Subalit bago pa man matukoy ni Ranido ang shabu na isinilid sa panty ni Liezel ay umamin na ang suspek hinggil sa dala-dala niyang droga. - Danny Estacio

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho