TANAUAN CITY, Batangas – Nalimas ang mga personal na gamit at maging ang mga pagkain ng apat na babaeng misyonero, kabilang ang tatlong dayuhan, makaraang looban ang tinutuluyan nilang apartment sa Tanauan City, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Maricel Ebuen, Ailine Kinikini, Amerikano; Eline Suapaia, Australian; at Salma Ghouri, Pakistani, pawang misyonero ng Jesus Christ of Latter Day Saints.

Sa report ni Supt. Christopher Olazo, hepe ng pulisya, bandang 6:30 ng gabi nitong Disyembre 27 nang mag-report sa mga awtoridad ang mga biktima hinggil sa pagnanakaw sa loob ng inuupahan nilang apartment sa Barangay Darasa ng lungsod.

Natangay ang mahahalagang gamit ng mga misyonero, kabilang ang isang DVD player, camera, mga flashdrives, relo, alahas, bag, pabango, at maging ang kanilang mga pagkain.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20