Abut-abot ang pasasalamat ng isang negosyante matapos niyang matakasan ang dalawang lalaki na dumukot sa kanya at nagdala sa kanya sa isang motel sa Caloocan City, noong Lunes ng hapon.

Ayon kay Supt. Ferdie Del Rosario, Deputy Chief of Police for Administration (DECOPA) ng Caloocan City Police, kasong kidnapping ang kinakaharap nina Albert Rovante, 29, binata, ng No. 725 Blumentritt corner Josepina Streets, Sampaloc, Manila; at Jedidah Cluterio, 28, binata, ng Capitol View Park Subdivision, Malolos City, Bulacan.

May trauma at nanginginig sa takot nang dalhin sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan Police si Allan Brooks, 46, may asawa, ng No. 284 San Vicente, Paombong, Bulacan.

Kuwento ni Brooks, nagkunwaring ahente ng sasakyan ang mga suspek at nakipagkita ang mga ito sa Malolos para umano personal niyang makita ang sasakyang iniaalok ng mga ito, pero pagsapit sa lugar ay tinutukan siya ng balisong ni Rovante at dinala sa isang motel sa Bagong Barrio.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Ipinosas po nila ako sa loob ng motel at humihingi sa akin ng P400,000 para raw ako makalaya,” ani Brooks, sinabing nakatakas siya nang makatulog ang mga suspek.