Uumabot sa 730 special permit ang ipinalabas ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa mga bus sa Metro Manila bibiyahe sa lalawigan ngayong holiday season.

Nabatid kay Engr. Ronaldo Corpuz, board member ng LTFRB, ang ipinamahagi na special permit ay epektibo simula Disyembre 22 hanggang Enero 3, 2015.

Ang halaga ng bawat special permit ay P260.00 sa bawat bus at P70.00 naman ang bayad sa dagdag na unit na kasama sa franchise.

Nagbibigay ng special permit ang LTFRB sa mga pampasaherong sasakyan tuwing holiday season para mapunan ang dagsa ng mga pasaheron gumuuwi sa mga lalawigan para ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho