SAN FERNANDO CITY, La Union – Arestado ang isang miyembro ng Sanguniang Bayan sa Caba, La Union makaraang isilbi ang search warrant sa kanyang bahay at makumpiskahan siya ng mga ilegal na armas at bala.

Sinabi ni Senior Supt. Ramon Rafael, direktor ng La Union Police Provincial Office, na ang dinakip ay si Noel Estallila.

Batay sa report ng Caba Police, dakong 7:30 ng umaga nitong Disyembre 20 sa Barangay Gana sa Caba nang isinilbi ng pinagsanib na puwersa ng La Union-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), LUPPSC at Caba Police ang search warrant para halughugin ang bahay ni Estallila.

Nasamsam sa operasyon ang isang .45 caliber pistol na walang lisensiya at may magazine na may pitong bala, isang magazine ng M-16 na may 28 bala, isang one-shot magazine ng M-16, dalawang maiikling magazine para sa .45 caliber pistol, tatlong bala ng .22 caliber revolver, tatlong holster at isang bag.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isinasangkot din si Estalilla sa pagpatay sa isang Christopher Estalilla noong Nobyembre 7, 2014. - Liezle Basa Iñigo