MONCADA, Tarlac - Apat na katao ang duguang isinugod sa Tarlac Provincial Hospital matapos magbanggaan ang isang tricycle at isang motorsiklo sa highway ng Barangay Camposanto 1 Norte sa Moncada, Tarlac, noong Sabado ng gabi.

Kinumpirma ni PO2 Christian Rirao ang pagkakasugat nina Jomar Merculio, 27, driver ng tricycle na walang plaka, residente ng Barangay Burgos, Moncada; Anthony Novida, 30, driver ng motorsiklo (AL-3416); Bryan Lucero, 20; at Lodivico Coquia, nasa hustong gulang, pawang taga-Bgy. Tubectubang, Moncada, Tarlac. - Leandro Alborote
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20