LONDON (AP)- Napili sina Novak Djokovic at Serena Williams bilang International Tennis Federation’s world champions ngayong 2014.
Napasakamay ni Djokovic ang taunang award sa ikaapat na pagkakataon, habang kinamkam ni Williams ang ikalimang beses.
Napagwagian ni Djokovic ang Wimbledon para sa kanyang ikapitong Grand Slam title at muling hinablot ang No. 1 ranking. Napanalunan ni Williams ang U.S. Open para sa kanyang ika-18 major championship at nanatiling No. 1 sa kabuuan ng taon.
Napagtagumpayan naman nina Bob at Mike Bryan ang men’s doubles award sa ika-11 pagkakataon sa loob ng 12 taon, habang kinuha nina Sara Errani at Roberta Vinci ng Italy ang women’s prize sa ikatlong pagkakataon.
Pinangalanan sina CiCi Bellis ng United States at Russia’s Andrey Rublev bilang junior world champions. Sina Japan’s Yui Kamiji at Shingo Kunieda ang tinanghal na wheelchair champions.