Balak ni 8-time world division boxing champion Manny Pacquiao na maging punong-abala sa gaganaping 2015 World 10-Ball championships sa Pebrero.

Ito ang inihayag ni Pacquiao na hangad gabayan ang prestihiyosong torneo kung saan, kung aaprubahan ng World Pool-Billiard Association (WPA) ang torneo, ay posibleng isagawa ito sa General Santos City.

Nabuo ang hangarin ng boxing champion matapos na ang tambalan nina two-time world champion Ronnie Alcano at pro boxer at Rep. Pacquiao ay magtala ng 9-0 pagwawagi kontra kina John Rebong at Angelo Ariola at masungkit ang silya sa elite na round-of-16 ng prestihiyosong MP (Manny Pacquiao) Cup 10-Ball doubles event sa SM City mall sa General Santos.

Nahulog sa losers’ bracket, ang itinalang iskor na 9-0 nina Pacquiao at Alcano ang una sa torneo kung saan ang mga superstar na tambalan nina Shane Van Boening at Dennis Orcollo, Thorsten Hohmann at John Morra at ang mahabang panahong nagtatambal na sina  Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante ay nahulog kontra sa hindi kilalang mga kalaban.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinandigan ni Pacquiao, ang nag-iisang eight-division boxing champion, ang kanyang powerful breaks habang si Alcano ay tumulong sa tila-perpektong tirada upang suportahan ang kanilang tsansang tumuntong sa quarterfinals.

Makakasagupa nila ang matinding duo nina Oliver Medenilla at world-ranked na si Raymund Faraon.  

Ginastusan ni Pacquiao ang torneo ng kabuuang $150,00 para sa singles at doubles events bilang bahagi ng kanyang selebrasyon sa ika-36 kaarawan kahapon.