Pope Francis

Ni ELAYCA MANLICLIC, trainee

SA nalalapit na pagdating ni Pope Francis, marami na ang paghahandang ginagawa sa bansa.

Isa ang TV5 sa mga naghahanda ng bonggang pang-welcome para sa Santo Papa. Ilulunsad ng kapatid network ngayong linggo ang www.DearPopeFrancis.ph, isang website na malayang masusundan ang Santo Papa habang bumibisita siya rito sa Pilipinas.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Maaaring magpadala ng mensahe at greetings bago pa man siya makarating sa ating bansa. Maaari ring magpadala ng prayer requests at mag-share ng mga kuwento. Sa social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at Instagram gamitin lang ang #DearPopeFrancis para makiisa sa mga paghahanda sa pagdating ng Santo Papa.

Maa-access din sa naturang website ang lahat ng news articles, exclusive photos at kung anu-ano pang pangyayari kay Pope Francis. Sa mga gusto namang makita siya nang live, may livestreaming din ang nasabing TV5 website.

Ayon sa Kapatid Network, mas magiging memorable ang pagbisita ng Santo Papa rito sa Pilipinas kung sa pamamagitan ng website na kanilang bubuksan ay maipapahayag ng mga Pinoy ang nais nilang sabihin kay Pope Francis.