BAUAN, Batangas – Naaresto sa entrapment operation ang isang illegal recruiter matapos ireklamo ng isang aplikante na pinangakuan niyang makakapagtrabaho sa ibang bansa.

Bandang 5:30 ng hapon noong Disyembre 13 nang arestuhin si Julia Godino sa Bauan, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), inireklamo ng biktima si Godino dahil pinangakuan siyang makakapagtrabaho sa ibang bansa matapos siyang magbigay ng P50,000.

Sa entrapment operation, naaktuhan umano ng awtoridad ang pagbibigay ng alahas ng biktima sa pekeng recruiter. Lyka Manalo
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20