SA feast day ng Immaculate Concepcion last Decembert 8 ay nagsimba si Kris Aquino at muling dumulog kay Mama Mary para sa isang bagay na walang kinalaman sa lovelife.

Tungkol ito sa pagiging co-producer niya sa pelikulang Feng Shui 2, isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival na magsisimula uli sa Pasko.

"Ayokong mapahlya sa business partners ko na sina Chito Rono at Coco Martin kaya ipinagdasal ko na kahit man lang doble ang bumalik sa kanilang investments happy na ako," saad ng Queen of All Media.

May dulot bang buwenas ang Feng Shui?

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

"Oo naman, kung negosyo ang pag-uusapan. Pero pagdating sa love, hindi nagwo-work sa akin," natawang sabi ni Kris.

Paboritong pelikula ni Coco Martin ang unang Feng Shiu at matagal niyang pinangarap na makagawa rin ng horror film at makasama si Kris. Nabanggit ito ni Coco sa kanyang Ate Kris, na agad namang tumawag kay Direk Chito para pag-usapan ang sequel.

Kaya ang Feng Shui 2 ay katuparan ng pinangarap ni Coco na ang pakiramdam ngayon ay kumpleto na ang kanyang film career.

Very generous naman ang papuring binitiwan ni Kris para sa magaling na aktor, when she commented, "Thank you for sharing your brilliance with me." (Remy Umerez)