Kung tutuusin, napakaaga pa para ipaghanda ang Pasko. Pero kung magpaplano at magsa-shopping ka na ngayon pa lang, malaking ginhawa. Hindi mo na kailangang makipagsiksikan sa mall at sa palengke. Makatitipid ka pa sa pera at panahon kapag sumapit na ang December.

Narito ang ilang simpleng bagay na maaari mong gawin ngayon pa lang upang ang Pasko na ito ay maging perfect:

  • Magplano. - Sinu-sino ba ang magiging bisita mo? Ilan sa kanila ang uumagahin pagkatapos ng Noche Buena? Ikaw ba ang magho-host ng Christmas lunch? Kung mayroong tensiyon na involved (halimbawa, mga kamag-anak na umaasang bibisitahin mo sila, na sa totoo lang ay talagang ayaw mo naman hanggang maaari), mas mainam na harapin mo na ito ngayon pa lamang kaysa pagsapit ng December kung saan mas mataas ang level ng mga emosyon. Kung kailangan mong mag-book ng accommodation o ticket sa eroplano o barko, ngayon na ang pagkakataon.
  • Metro

    MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

  • Magtabi ng pera. - Of course ayaw mong magbayad ng napakaling bill sa credit card pagdating ng January, pero kung magtatabi ka ng paunti-unti ngayon pa lang, hindi ka gaanong magdurusa sa gastos ng Pasko.
  • Sumubok ng recipes. - Kung ang magiging bisita mo ay ang hindi maiiwasang pintasera, pagpraktisan mo na ang iniisip mong putahe ngayon pa lang. Bilhin na ang mga ingredient (na hindi nabubulok) na alam mong mauubos habang papalapit ang Pasko.
  • Listahan ng mga bibigyan ng regalo. - Ang mga inaanak mo sa binyag, please naman huwag mong pagtaguan. Isipin na agad kung ano ang ibibigay kung kanino. Kung nahihirapan kang pumili, alamin kung ano ang kanilang hilig. Kung may listahan ka na, maghanap ka ngayon pa lang ng mga iyon sa bargain.

    At huwag kaligtaan sa pagpaplano mo ang iyong pakikiisa sa komunidad ng mga Kristiyano.