Disyembre 14, 1896 nang ilunsad ang Glasgow Subway bilang cable-hauled system. Manu-manong hinahatak ng drayber ang tren gamit ang pulley, grip system at stationary steam engines.
Pabilog ang tatahaking daanan, at ang tunnel ay may sukat na 3.4 metro ang lapad.
Sa unang araw, ang mga pasahero ay pumila sa labas ng istasyon ng tren, at matiyagang naghihintay sa unang biyahe. Sa loob ng isang oras, halos 1,400 katao ang sumakay ng tren.
Ngunit matapos ang isang buong araw, isang problema ang nadiskubre sa pagitan ng Bridge Street at St. Enoch na naging dahilan upang ipahinto ang mga biyahe hanggang Enero 1897.
“You can imagine what it would have been like – each car designed for only 42 people, yet nine million passengers went through the tunnels [in] the first year alone,” ayon kay John Messner.
Taong 1935, kuryente na ang ginagamit upang mapaandar ang tren.