Nagpahayag ng todong suporta ang PLDT Home Fibr para sa binuo nitong Philipine women’s at men’s teams habang hinayaan nito ang Philippine Volleyball Federation (PVF) na asikasuhin ang sigalot na namamayani sa asosasyon ng isport sa bansa.

Sinabi ng isang opisyales mula mismo sa PLDT na ang pagtulong nito sa men at women’s teams ay bilang parte ng kanilang pagnanais na maiangat ang prestihiyo at pagkilala sa mga Pilipino sa larong volleyball habang iniwan nito sa mga opisyales ng PVF ang pagreresolba sa internal na problema ng asosasyon.

“We are not allowed to issue a statement but as what our high-ranking officials said, what the PLDT is doing is for the country, it is part of service and patriotism by supporting our national team, by helping the sports of volleyball back again in the world and for the young players and future of this kids,” sabi ng opisyal na tumangging pangalanan.

Samantala’y patuloy naman na umaani ng suporta ang kasalukuyang pamunuan ng PVF sa iba’t-ibang komunidad ng volleyball kung saan pinakahuling nagpahayag ng kanilang pakikipagkaisa ang Filipino Volleyball Community of Australia at pati na rin sa Canada.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Unti-unti na rin na gumugulong ang pagkampanya para makatipon ng isang milyong pirma upang maipahayag ang pagsuporta sa binuong men at women’s team.

Ito ay matapos na ipahayag ng Philippine Olympic Committee (POC) na kanilang kukunin ang pamamahala sa asosasyon ng volleyball sa bansa.

Patuloy lamang sa pagsasanay at paghahanda ang national volleyball teams para sa inaasahan nitong sasalihan na mga international events.

Matatandaan na binuo ng PVF sa pamamahala nina Camangian at PVF president Karl Chan ang dalawang national teams bago na lamang biglang lumutang ang mga dating miyembro sa board of directors at mabuo ang isa pang grupo na pinamumunuan ng president on-leave na si Gener Dungo.

Dahil dito ay pumasok sa gulo ang POC kung saan sinabi ni POC first vice-president Joey Romasanta na binigyan ito ng karapatan nina AVC vice president Shanrit Wongprasert at FIVB / AVC Life Honorary President Wei Jizhong na resolbahan ang kaguluhan sa pederasyon.

Agad na nagbuo ang POC ng five-man body na siyang titingin sa sigalot tungo sa pagbubuo ng bagong constitution and by-laws upang maisagawa naman ang pagbubuo ng panibagong volleyball federation.

Tinukoy ni Romasanta, na siyang uupo bilang chairman, si Ramon Suzara ng Philippine Superliga bilang deputy kasama sina Ricky Palou at sina Gretchen Ho ng Ateneo at Angeli Tabaquero ng UST bilang miyembro.