Hinilin ni Senator Aquilino Pimentel III ang imbestigasyon ng Senado sa ulat ng talamak na paglabag sa karapatang pantao ng mga suspek.
Ayon kay Pimentel, may punto ang Amnesty International (AI) na hindi pwedeng gantihan ng mga pulis ang mga suspek na nananakit sa kapwa nila pulis.
Sa ulat ng AI, tumataas ang bilang ng mga paglabag sa karapatang pantao ng mga suspek at karamihan sa mga ito ay kagagawan ng mga opisyal ng pulisya.
“If a police officer was killed, it seems acceptable to beat up the suspect. But that should really change. Regardless of who was killed, whatever the crime of the accused, nobody—not even the police official or law enforcer—has the right to harm the suspect or detainee,” ani Pimentel.