SA edad na 56, marami pang maipapakita si Madonna sa December issue ng Interview Magazine.

“It’s confusing. Nipples are considered forbidden and provocative but exposing your ass is not. #flummoxed,” paglalahad ni Madonna tungkol sa nakakaakit na Instagram post noong Nobyembre 20. Marahil ay pinararatangan niya ang larawan ni Kim Kardashian, na kasama sa isang butt-baring at “Internet-breaking” na Paper magazine photoshoot, at ikinumpara ito sa pagbabawal ng Vogue editrix na si Anna Wintour na pumunta sa kanyang Met Gala sa Mayo na nakasuot ng nipple-exposing bandage dress.

Ngunit ngayong linggo lamang ay naglantad din si Madonna ng kanyang nipples sa isang photo shoot ng Interview Magazine kasama ang sikat na British camera duo na sina Mert and Marcus. Kasama rin ang malagkit na pag-uusap nila ng kanyang kaibigan at magician na si David Blaine. Naganap ang photo shoot ilang buwan lamang ang nakalilipas matapos ipagdiwang ni Madonna ang kanyang ika-56 na kaarawan, nang mag-post din sya ng kanyang iconic 1980s picture na nakahubad. Sa pagkukumpara ng 1980s at bagong larawan, malinaw na maganda pa rin ang pangangatawan ni La Ciccone – pati na rin ang kanyang nipples.

Marahil ay hindi lang maatim ni Madonna na ipakita sa publiko kung gaano pa rin siya kaganda at kung paano nananatiling maalindog sa kabila ng kanyang mahigit apat na dekada sa industriya, ngunit para magbigay ng cultural point. Kasama ang mga babaeng tulad ni Lina Esco, director ng activist documentary na Free the Nipple, sinusubukan ni Madonna na ikutin ang pananaw ng mga tao tungkol sa American fashion at ang relasyon ng media sa hubad na katotohanan. Malakai pa rin ang issue ng bansa sa hubad na katawan, na hindi naman problema sa Europa, na mas naihahalintulad ang Amerika sa usapin ng mas bukas na pag-iisip at pagiging sopistikado.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Kahit mausbong ang “American nakedness” sa mundo ng Internet, kabastus-bastos (tulad ng porn) at stylish (tulad sa Instagram), sa cable TV na idelized (Game of Thrones) at verite-style (madalas na hubad na si Lena Dunham sa Girls), tila hindi natitinag ang commercial American advertising at fashion.

Pero bakit ang ipinagbabawal na paghuhubad? Sabi ng isang propesor sa University of California-San Diego, ang sumulat ng Naked: The Nude in America na si Bram Dijkstra, ang pagtatago ng hubad na katawan ay hindi lamang nagmula sa Puritans kundi nagmula pa noong pag-angat ng kapitalismo at ng bourgeois class noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. “Suddenly there was a middle-class with disposable income who saw being tempted as a risk to losing their earning power,” sabi niya. “Hence they became suspicious of sexual freedom, as suggested in the nude, which could only be controlled through Puritanism,” dagdag pa niya.

May mangilan-ngilang bansa sa Europa tulad ng France na kailanman ay hindi naging global capitalist juggernaut gaya ng America, kaya hindi nila naranasan ang paghihirap na dala ng kayamanan na galing sa maaalindog na katawan. (Yahoo News/Celebrity)