MEMPHIS, Tenn. (AP)- Umiskor si Manu Ginobili ng 17 puntos, habang naitala ni Tim Duncan ang triple-double na 14 puntos, 10 rebounds at 10 assists upang pamunuan ang San Antonio Spurs sa 107-101 victory kontra sa Memphis Grizzlies kahapon.

Nag-ambag si Danny Green ng 16 puntos, habang ipinatas ni Tony Parker ang 14 puntos ni Duncan. Nagposte si Corey Joseph ng 12 puntos, kasama na ang 10 sa fourth quarter upang hadlangan ang ilang paghahabol ng Memphis.

Pinangunahan ni Marc Gasol ang Memphis sa inasintang 28 puntos at 12 rebounds, habang nagdagdag si Mike Conley ng 23 puntos at 10 assists. Tumapos si Tayshaun Prince ng 20, kumonekta ng 8-of-11 shots, kasama na ang lahat ng 4 mula sa outside sa arc. Naitarak ni Zach Randolph ang 10 puntos sa Memphis, nabigo sa ikalawang sunod na pagkatalo.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20