SAN ISIDRO, Nueva Ecija - Isang pulis at isang drug personality ang nasawi habang nagpapatupad ang una ng search warrant na nauwi sa sagupaan matapos tumanggi ang suspek na isuko ang ilang baril at bala sa Purok 2, Barangay Calaba ng bayang ito.

Kinilala ni Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, direktor ng Nueva Ecija Police Provincial Office, ang mga nasawi na sina PO3 Jacinto Gregorio Jr. y Luna, 43, ng Bgy. Sangitan West, Burgos Avenue, Cabanatuan City, miyembro ng Provincial Public Safety Company (PPSC) assault team; at Bernardo Magno y Santiago, 43, may asawa ng Purok 2, Bgy. Calaba.

Narekober sa crime scene ang isang M-14 assault rifle, isang M-16 assault rifle, isang Remington 12-gauge shotgun, isang .45 caliber pistol at mga bala, drug paraphernalia at mga personal na gamit.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20