GROZNY, Russia (AP) — Sumiklab ang bakbakan sa kabisera ng North Caucasus republika ng Chechnya ng Russia noong Huwebes ng madaling araw, iniwang patay ang tatlong traffic police officer at anim na armadong kalalakihan, ayon sa mga awtoridad.

Sinabi ng security officials at ng lider ng Chechnya na ang armadong kalalakihan na sakay ng ilang kotse ang pumatay sa tatlong traffic police sa isang checkpoint sa kabisera ng republika, ang Grozny.

Mahigit anim na oras nang sumiklab ang bakbakan, sinabi ng lider ng Chechen na si Ramzan Kadyrov na nasukol at napatay ang anim na armadong responsable sa kaguluhan.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20