CAMP BANCASI, Butuan City – Napigilan ng mga sundalo ang pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa kasagsagan ng bagyong “Queenie” sa Balingasag, Misamis Oriental, ayon sa militar.

Ayon kay sa acting regional spokesman ng 4th Infantry Division na si Capt. Joe Patrick Martinez, matagumpay na naidepensa ng 7th Misamis Oriental CAFGU ng 8th Infantry Battalion ang kanilang detachment sa Kawali Patrol Base sa Barangay Kibanban, Balingasag, nang salakayin ng mga armadong NPA kamakalawa.

“Sinamantala ng mga rebelde ang pagiging abala ng mga sundalo sa paghahanda sa pananalasa ng bagyong ‘Queenie,’” ayon kay Martinez.

Aniya, ang mga umatake ay mga miyembro ng Guerilla Front Committee 4-B ng CPP-NPA North Central Mindanao Regional Committee.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Idinepensa ng mga sundalo natin ang kanilang kampo at pinaulalan ng bala ang mga kalaban na halos 50 metro lang ang layo mula sa kanila,” pahayag ni Martinez.

Sinabi pa ni Martinez na walang naiulat na namatay sa labanan na tumagal lamang ng halos 15 minuto. - Mike U. Crismundo