Lalong nadiin si dating Antipolo City Mayor Danilo Leyble nang isampa ang ikalimang kaso ng katiwalian sa Office of the Ombudsman.

Sa impormasyong nakalap ng Balita, inilahad ni Ms. Cecilia Almaose, City Budget Officer, dapat ipaliwanag ni Leyble ang iligal na paggamit sa special education fund (SEF) na P24 milyon na nakalaan bilang sahod ng mga guro ngunit ipina-suweldo sa mga janitor sa lungsod.

Kasalukuyang dinidinig sa Ombudsman ang iba pang mga kasong kriminal na inihain laban kay Leyble, kabilang ang overpriced building projects na nagkakahalaga ng P3 milyon, pagbili ng 22,244 na libro na nagkakahalaga ng P8 milyon ngunit hindi nai-deliver, pekeng bidding sa mga proyekto, kuwestiyunableng kontrata sa pagpapatayo at operasyon ng Victory Mall sa harapan ng Antipolo Cathedral at pagbabayad nang buo sa mga kontratang hindi pa natatapos. Mac Cabreros
National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’