STA. BARBARA, Pangasinan - Parurusahan ang sinumang magbibilad ng palay sa mga pangunahing lansangan at paggamit sa kalsada sa pansariling interes, alinsunod sa Section 23 ng Presidential Decree No. 17.

“Section 23 of Presidential Decree No. as amended, declaring it unlawful for any person to usurp any portion of a right-of-way, or to convert any part of any public highway, bridge, wharf or trail to his own private,” sinabi ni Engr. Narchito Arpilleda, administrative officer at information officer ng Pangasinan 3rd District Engineering Office.

Iginiit na layunin ng nasabing batas na protektahan ang mga motorista, sinabi ni Arpilleda na “it is hereby directed that drying of palay and other farm produce along national highways be totally banned.”

Nauna nang ipinag-utos ni Engr. Emmanuel Diaz, district engineer ng Pangasinan 3rd DEO, ang mahigpit na monitoring sa mga kalsadang may nagbibilad ng palay dahil magiging sanhi, aniya, ito ng aksidente.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Aniya, ang sinumang mapatutunayang lumabag ay pagmumultahin ng hanggang P1,000 o makukulong ng hanggang anim na buwan. (Liezle Basa Iñigo)