fritz ynfante

BIBIGYAN ng special tribute ng mga kaibigan, colleagues, supporters, at ang famed talents na natulungan ng veteran director-actor na si Fritz Ynfante bukas, November 28, 7 PM sa Music Museum.

Itatampok sa celebrity-studded event ang ilan sa mga kilalang showbiz talents na naging malapit kay Direk Fritz.

Inaasahan ang pagdalo ng iba’t ibang personalidad na naging bahagi ng kanyang trabaho sa harap at likod ng kamera sa tribute show billed “I’m Still Here: Barbra and Me -- Direk Fritz Ynfante’s Soiree.”

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Alam ng marami na labis ang paghanga ni Direk Fritz sa iconic singer na si Barbra Streisand. Adapted ang title ng tribute show sa sikat na awitin ni Streisand.

Aabot sa 20 big names sa Philippine showbiz – sa music, theater, at movies – ang kakanta, na karamihan siyempre ay Streisand hits, para kay Direk Fritz at magbabahagi ng mga naging karanasan nila sa pakikipagkaibigan sa kanya. Ang ilan sa kanila ay sina Martin Nievera, Pops Fernandez, at Edu Manzano.

Bukod sa kanyang directorial stint sa Penthouse Live, pinamahalaan din ni Direk Fritz ang iba pang groundbreaking TV shows tulad ng Keep On Dancing, at It’s a Date. Siya rin ang lumikha ng character na ‘Donya Buding’ ni Nanette Inventor.

Bilang actor ay napanood siya sa José Rizal (1998), Gumising ka... Maruja (1978) at Mananayaw (1978). Napanood din siya sa Vic Sotto movies.

Noong nakaraang taon, sumailalim sa training sa kanya ang top beauty contestants, at nagbigay ng prediksiyon na mananalo si Mutya Datul sa Miss Supranational na isinagawa sa Minsk, Belarus. Tumulong din siya kay Janine Tugonon para sa Miss Universe 2012 pageant.

Nang gunitain ang Holy Week noong 2013, napansin ng publiko ang kanyang creation sa exhibit na nagpapakita ng “new wave stations of the cross” na may Filipino culture touches at kakaibang mga modelo tulad ng cancer survivor para kay Virgin Mary.

Ang “I”m Still Here: Barbra andMe -- Direk Fritz Ynfante’s Soiree” ay itatanghal ng Pink Productions.