CINCINNATI (AP) — Pinalaya ang isang lalaki matapos ang halos apat na dekada sa kulungan nang sabihin ng isang saksi na nagsinungaling siya noong siya ay bata pa sa Cincinnati noong Martes.
Masayang sinabi ni Ricky Jackson sa mga miyembro ng Ohio Innocence Project at iba pa sa University of Cincinnati na maglalakad siya patungong Cincinnati mula Cleveland kung kinakailangan upang pasalamatan ang mga tao na sumagip sa kanyang buhay.
“They came through like a knight in shining armor,” aniya sa proyekto sa UC’s College of Law. Nagtatrabaho ito para palayain ang mga tao gamit ang ebidensiya ng DNA ngunit tinanggap ang kaso ni Jackson sa kabila ng kakulangan ng DNA.
Pinalaya si Jackson, 57, sa kulungan noong Biyernes matapos ibasura ng isang hukom sa Cleveland ang kaso laban sa kanya at kay Wiley Bridgeman, 60. Binawi ng saksi, 12 anyos ng maganap ang pagmamaslang, noong nakaraang taon ang kanyang testimonya at sinabing pinuwersa siya ng Cleveland police para sabihin na ang dalawang lalaki at isa pa ang pumatay sa negosyanteng si Harry Franks noong 1975.
Isang fund ang itinatag ng proyekto para tulungan si Jackson sa kanyang pagbabalik sa normal na buhay ay lumikom na ng halos $43,000.