ISULAN, Sultan Kudarat – Kasama ang mga miyembro ng media at ilang opisyal ng gobyerno ay dumagsa kahapon ang mga kaanak ng 58 biktima ng Maguindanao massacre sa bahagi ng Sitio Masalay sa Barangay Salman, Ampatuan, Maguindanao para gunitain ang ikalimang anibersaryo ng massacre, na umano’y kinasasangkutan ng ilang miyembro at mga tauhan o kaalyado ng pamilya ng mag-anak ni Datu Andal Ampatuan Sr.

Kasama ng mga kaanak ng mga biktima ang mga kasapi ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) at sina Justice Secretary Leila de Lima at si Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu, na inulila ng asawa at ilang kaanak na kabilang sa mga pinatay.

Napag-alaman na layunin ngayong taon ang pagsisindi ng milyong kandila sa lugar patunay ng patuloy na pakikipaglaban ng mga kaanak ng mga biktima sa ngalan ng hustisya, ayon kay Emmylou Lopez, presidente ng Justice Now.
National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga