Nobyembre 24, 1993 nang pagtibayin ng United States Congress ang Brady Bill, na kilala rin sa tawag na Brady Handgun Violence Prevention Act.

Pinirmahan ni noon ay US President Bill Clinton noong Nobyembre 30, 1993, at naging epektibo noong Pebrero 28, 1994.

Layuning makatulong sa pagsugpo sa kaharasan, hangad ng batas na makontrol ang paggamit ng baril sa pagpapatupad ng mas istriktong regulasyon sa pagkakaroon nito.

Ang batas ay halaw sa pangalan ni James Brady, na namatay nang mabaril ni John Hinckley Jr. sa napigilang tangkang pagpatay kay noon ay President Ronald Reagan noong Marso 30, 1981 sa labas ng Washington Hilton Hotel. Si Brady ang press secretary ni Reagan.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race