DINALUPIHAN, Bataan – Libu-libong Bataeño ang libreng makapapanood nang live sa pinakaaabangang laban ng boxing icon na si Manny Pacquiao kay Chris Algieri ngayong Linggo makaraang aprubahan ni Dinalupihan Mayor Gila Garcia at Gov. Abet Garcia ang libreng pagpapalabas sa publiko ng nasabing laban.

Sinabi ni Rholy Rojas, municipal administrator ng Dinalupihan, na inaprubahan ni Garcia ang live na pagpapalabas ng boxing sa Civic center, sinabing tinalakay na rin ang paghahanda sa seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga manonood.

Sa kapitolyo, sinabi ni Engr. Ric Yuzon, hepe ng Provincial Engineering Office, na inaprubahan na rin ng gobernador ang libreng pagpapalabas ng laban ni Pacquiao sa Bataan Sports Complex, na may 20,000 capacity.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20