Magpapatupad ang mga samahan ng panadero sa bansa ng pangalawang bawas-presyo sa Pinoy Tasty loaf bread at Pinoy Pandesal bago ang Pasko, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Napipintong tapyasan muli ng samahan ng mga panadero ng 50 sentimos ang kada supot ng Pinoy Tasty habang 25 sentimos naman sa Pinoy Pandesal na may 10 piraso bunsod ng patuloy na pagbaba ng presyo ng harina sa mga pamilihan dahil bumaba ang contract price ng trigo sa pandaigdigang merkado.

Sakaling ipatupad ang nasabing bawas-presyo, mabibili ang Pinoy Tasty ng P36 mula sa kasalukuyang P36.50 samantalang P22 naman ang bawat supot ng Pinoy pandesal sa kasalukuyang P22.25 sa mga supermarket matapos tapyasan din ng katulad na halaga noong Nobyembre 7.

Ayon kay DTI Undersecretary Vic Dimagiba, pupulungin muna ng kagawaran ang mga importer upang maibaba hanggang P700 ang presyo sa kada sako ng harina mula sa kasalukuyan P730 hanggang P750.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists