BANGKOK (Reuters)— Malayo pang aalisin ang martial law sa Thailand, sinabi ng justice minister noong Biyernes, sa kabila ng naunang pagano na aalisin ang batas sa ilang lalawigan upang mapalakas ang industriya ng turismo na humina simula nang kudeta ng militar noong Mayo.
Inihayag ito kasabay ng paghahanda ng Thailand sa pagpasok ng peak tourism season, ngayong Pasko at Bagong Taon.
Hawak ng sektor ng turismo ang halos 10 porsiyento ng GDP. Inaasahan ng Thailand ang halos 25 milyon ng turista ngayong taon, bumaba ng isang milyon simula 2013, sinabi ng gobyerno ngayong buwan, dahil sa mga protesta sa Bangkok na iniiwasan ng mga bisita.
“Martial law is necessary and we cannot lift it because the government and junta need it as the army’s tool,” sabi ni Thai Justice Minister General Paiboon Koomchaya sa Reuters. “We are not saying that martial law will stay in place for 50 years, no this is not it, we just ask that it remain in place for now, indefinitely.”