Ipinagkibit-balikat lang ng mga leader ng Liberal Party ang pahayag ni Pangulong Benigno S. Aquino III na posibleng ang iendorso niya sa 2016 presidential derby ang hindi mula sa partido.

Ayon kina Iloilo Rep. Jerry Trenas at Eastern Samar Rep. Ben Evardone, marami sa miyembro ng Liberal Party ang itinuturing nilang “extremely qualified” na tumakbo sa 2016 kaya hangad nila na mag-endorso ang Pangulo mula sa kanilang partido.

“Bilang isang miyembro ng LP, ang gusto ko sana ay isang LP ang basbasan ng Pangulo. Maraming LP member ang extremely qualified. Subalit hindi maaaring unahan ang Pangulo kung Bicolsino ang kanyang pipiliin,” ani Trenas.

Unang ipinanukala ni Trenas ang pakikipag-alyansa ng LP sa Nacionalista Party (NP) upang matiyak ang pagkapanalo ng kanilang mga kandidato sa 2016 presidential elections.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Aniya, ang LP at NP ang ikinokonsiderang dalawa sa pinakamalalakas na partido sa bansa dahil sa solidong political machinery ng mga ito.

Ipinanukala rin ni Trenas na italaga na rin si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas bilang standard bearer ng koalisyon upang makapili na rin ang NP ng pinakamalakas na manok nito sa vice presidential race.